Maraming salamat po kay Don Ramon Bagatsing sa kanyang naibigay na donasyong 1 milyong piso kahapon para sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila.
Hindi rin ito ang unang beses na siya ay tumulong sa ating siyudad—noong kasagsagan ng pandemya, nag-abot din siya ng suporta para sa ating mga kababayan.
Ang ganitong donasyon ay napakahalaga, lalo na’t patuloy nating binabangon ang ating lungsod mula sa state of financial ICU na iniwan ng nakaraang administrasyon.
Bawat tulong na natatanggap ng Pamahalaang Lungsod ay dagdag lakas upang maiahon natin ang bawat Batang Maynila. Muli, taos-pusong pasasalamat at nawa’y pagpalain kayo ng Diyos, Don Ramon!
Mayor Isko Moreno Domagoso
#manila
#yormeiskoupdate







