Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Martes, November 18, 2025.

– Palasyo sa alegasyon ni Sen. Marcos na nagdo-droga ang kapatid na pangulo — Desperada, walang basehan at nakakahiya

– ‘Di magbibitiw sa pwesto si Pres. Marcos; ‘di rin kakasa sa hamong hair follicle test ng kapatid — Malacañang

– Zaldy Co, ilang opisyal ng DPWH-4B at mga opsiyal ng Sunwest Corp., sinampahan ng kaso ng Ombudsman sa Sandiganbayan

– Totoong may P100B budget insertion sa 2025 budget pero ginamit ng ilang opisyal ang pangalan ni Pres. Marcos — Sen. Lacson

– Waynona Collings at Reich Alim, malungkot sa maikling journey sa Bahay ni Kuya pero grateful sa suporta ng fans

– 346 Pinoy na gagawing scammer sa Myanmar, nasagip; 3 sa kanila na itinuturong recruiter, inaresto

– Malulubog sa tubig ang 30% ng NCR sa 2040 dahil tumataas na lebel ng dagat — Climate Change Commission Projection

– Apat na na weather system, magpapa-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa

– Freelance model, dead on arrival sa ospital nang isugod ng ex-bf; walang senyales ng pananakit base sa inisyal na imbestigasyon — PNP

– Ikatlong araw ng kilos-protesta ng INC, hindi na itinuloy ngayong araw

– 3 patay sa palitan ng putok ng baril

– Alden Richards, nagbahagi ng kaalaman sa financial literacy at tips sa pagnenegosyo sa Fin-Ed Congress ng BSP

– Operator ng iligal na pagawaan ng paputok na sumabog, tukoy na

– Halos 70kg ng karneng baboy na ‘di nasuri bago katayin, kinumpiska at inilibing

– Libreng sakay, ipinatupad sa MRT-3 dahil sa technical glitch kaninang umaga

– Nagbebenta umano ng matataas na kalibre ng baril, arestado

– Pag-soft launch ni Carla Abellana sa kaniyang special someone, kinakiligan

– Christmas display sa Teresa, gawa sa recycled materials gaya ng goma, plastic bottle, sirang takip ng electric fan atbp.

– Babae, arestado dahil sa pagpapakalat ng malalaswang larawan ng babaeng pinaghihinalaan niyang ka-relasyon ng kanyang mister

– Eman Bacosa Pacquiao, kabi-kabila ang guestings; inaming crush si Sparkle star Jillian Ward

– Presyo ng ilang gulay, nagmahal o ‘di kaya ay nagkakaubusan dahil sa mga nagdaang bagyo

– Mosyon ni ex-Pres. Duterte at Sen. Dela Rosa na layong pilitin si Ombudsman Remulla na ilabas ang umano’y kopya ng arrest warrant laban sa senador, ibinasura ng Korte Suprema

– Networth ni Pres. Marcos at First Lady, nasa mahigit P389M base sa kanilang joint SALN; P1.375B naman kung pagbabasehan ang report ng pribadong appraiser

– Tatlong kwento ng “KMJS Gabi ng Lagim The Movie,” mapapanood na sa November 26

24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
 #24Oras #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe