Ibinahagi ni Vice Pres. Sara Duterte sa mga tagasuporta ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, The Netherlands nitong Linggo, March 23, ang kagustuhan ng kaniyang ama na makabalik sa bansa.

“Lagi niyang [ex-pres. Duterte] inuulit-ulit talaga, ibalik ninyo ako sa Pilipinas,” saad ni Vice Pres. Duterte.

Kasunod nito, ibinahagi ng bise na binalaan umano niya si ex-pres Duterte na maaaring sapitin niya ang sinapit ni dating senador Ninoy Aquino.

“Pa, sabi ko, ‘yung kagustuhan mo na umuwi, ‘yan din ‘yung katapusan ng buhay mo — magiging Ninoy Aquino Jr. ka.” At sinabi niya sa akin, “Kung ganyan ang kapalaran ko, then so be it. Basta lang mauwi ako sa Pilipinas,” pagbabahagi ng bise presidente. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere

https://www.instagram.com/news5everywhere/

@news5everywhere


🌐 https://www.news5.com.ph