Dumalo sina Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza sa pagbubukas ng pinakabagong tambayan ng pizza lovers — Angel’s Pizza Shell – UN Avenue branch!
Kasama ang mga kinatawan ng Angel’s Pizza sa pangunguna ni COO Mike Barret, opisyal na pinangunahan ng alkalde ang ribbon-cutting ceremony bilang hudyat ng pormal na pagbubukas ng bagong branch.
Ibinahagi ni Yorme ang kanyang tuwa sa patuloy na pag-usbong ng mga negosyo sa Maynila.
Aniya, sa pagdami ng mga negosyante, dumarami rin ang nagkakaroon ng trabaho at napatataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga-Maynila — patunay na lumalaki ang kumpiyansa ng mga negosyante sa pamahalaang lungsod.






