Umaga, gabi, kahit madaling araw pa—asahan po ninyong ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ay patuloy na nagtatrabaho para sa inyo!
Maraming salamat sa San Miguel Corporation sa inyong donasyong 1,162 piraso ng LED tunnel lights na may tig-24,000 lumens bawat isa.
Dahil sa donasyong ito, napailawan natin sa loob ng halos 45 araw ang mahigit 4 na kilometrong kahabaan ng Osmeña Highway sa ilalim ng Metro Manila Skyway Stage 3 Project—mula sa boundary ng Makati City sa Zobel Roxas Street, San Andres, President Quirino Avenue, A. Linao Street, Pedro Gil Street, Plaza Dilao, at Plaza Azul hanggang West Zamora.
Nagpapasalamat din tayo sa mga kawani ng City Electrician Office na pinamumunuan ni Engr. Randy Sadac para sa kanilang pagsusumikap na maikabit ang mga ilaw sa lalong madaling panahon, at sa BYD sa pagpapahiram ng sasakyan na ginamit kaninang madaling-araw.
Malaking tulong ang dagdag na ilaw na ito para sa kaligtasan ng ating mga motorista at residente. Muli, maraming salamat sa San Miguel Corporation sa patuloy na suporta sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila!






