Sinubaybayan ng buong Pilipinas at ng mundo ang malagim na kinahinatnan ng hostage-taking sa isang bus ng 25 turista mula Hong Kong sa Quirino Grandstand sa Maynila noong Agosto 23, 2010.
Nagsimula ito na sigaw para sa hustisya ng hostage taker na si Sr. Insp. Rolando Mendoza pero nauwi sa madugong trahedya na kinamatay ni Mendoza at 8 hostage.
Nagbunga ito ng diplomatic crisis sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at Hong Kong at naging pagsubok sa kauupo lang na administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Kasunod din nito, nirepaso ng media organizations ang mga panuntunan nila sa pag-cover ng live sa mga hostage situation gaya nito.
Balikan ang extended coverage ng TV Patrol, na naging isa sa pinakamahabang broadcast ng programa dahil sa pagtutok sa kinahinatnan ng hostage-taking at responde ng pulisya rito. Sinundan ito ng isang TV Patrol special report na binalikan ang pangyayari at naghatid ng update sa mga pinagdalhan sa ospital
Anchored by: Ted Failon, Ces Drilon, Julius Babao
Chapters:
0:00:00 Ulo ng mga Balita
0:03:40 Mendoza hiling maibalik sa pulisya – Ulat ni Maan Macapagal
0:07:46 Mga bata, ilang Chinese at mga Pinoy pinalaya; mga bata may “Slight trauma” – Ulat ni Atom Araullo
0:11:00 Pamilya ni Sr Insp Mendoza sa Batangas hindi makapaniwala sa ginawang pag-hostage – Ulat ni Alex Santos
0:15:47 2007 hostage taker Jun Ducat naniwalang walang matutupad sa kahilingan ni Mendoza – Ulat ni Henry Omaga-Diaz
0:18:23 Kapatid ng hostage-taker SPO2 Gregorio Mendoza humingi ng saklolo sa media – Ulat ni Ron Gagalac
0:33:10 LIVE: SPO2 Mendoza inaresto ng pulis isinakay sa police vehicle – Ulat ni Ron Gagalac
0:36:15 LIVE: Putok narinig mula sa bus – Ulat ni Ron Gagalac
0:44:05 LIVE: Bus driver tumakas, sumigaw ng “Patay na lahat” – Ulat ni Maan Macapagal
0:51:50 LIVE: Assault team umatake sa bus – Ulat ni Julius Babao
1:33:05 LIVE: Mga pulis nagtangkang pumasok sa bintana ng bus
1:51:24 Malakas na ulan humadlang sa operasyon ng pulis sa bus – Ulat ni Julius Babao
2:00:34 Mga turistang naiwan sa bus nakalabas na
2:18:54 Mga biktima ng hostage pilit isinasalba ang buhay sa Manila Doctors Hospital – Ulat ni Jeff Canoy
2:25:13 TV PATROL SPECIAL REPORT
2:30:19 Hostage-taker nakausap sa telepono sa gitna ng krisis – Ulat ni Jorge Cariño
2:39:59 Dalawa idineklarang patay sa Ospital ng Maynila; batang Pinoy tinamaan ng bala – Ulat ni Doland Castro
2:43:52 SOCO pinasok ang bus na hinostage – Ulat ni Maan Macapagal
2:47:26 SPO2 Mendoza posibleng kasuhan – Ulat ni Zyann Ambrosio
2:50:06 Timeline ng 12-oras na hostage-taking binalikan – Ulat ni Ryan Chua
2:53:21 Bus driver na si Alberto Lubang nakatakas bago lusubin ng pulis ang bus – Ulat ni Atom Araullo
3:03:14 Chinese national na isinugod sa PGH idineklarang dead on arrival – Ulat ni Francis Faulve
For more ABS-CBN News videos, click the link below:
For more Breaking News & Live Coverage videos, click the link below:
For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below:
For more News Digital News Raw Cuts, click the link below:
https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmj7R6uQt5Y8lhLZpGdrE67v
Subscribe to the ABS-CBN News channel! – http://bit.ly/TheABSCBNNews
Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com
Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews
Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews
#TVPatrol
#Throwback
#ABSCBNNews






