Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nananatiling handa at maaasahan ang Pilipinas bilang katuwang sa pandaigdigang negosyo sa kabila ng mga alegasyon ng korapsyon sa ilang proyekto ng pamahalaan.
Sa kanyang departure speech bago tumulak patungong Busan, South Korea para sa 32nd APEC Economic Leaders’ Meeting, hinimok ni Marcos ang mga dayuhang mamumuhunan na magtiwala sa kakayahan ng bansa, aniya: “Mag-invest kayo sa Pilipino.”#BalitaNgayon #PBBM #APEC2025 #InvestSaPilipinas #EkonomiyaNgBansa #KorapsyonIssue #Transparency #AsiaPacific #AngBalitaNgayonFB