LUMILIKAS NA ANG ILANG TAGA-MAYNILA

#News5Now | Mahigit 300 residente na ang tumungo sa Atienza Elementary School, isa sa mga evacuation center sa Maynila, para lumikas dahil sa banta ng Super Typhoon #UwanPH ngayong Linggo, Nov. 9.

As of 1 p.m., nasa 72 pamilya ang kasalukuyang nananatili sa paaralan na isa sa mga evacuation center na may pinakamaraming bakwit sa lungsod. | via Ian Suyu