Ramdam ang mainit na suporta at pagpupugay kay Miss Universe 2025 3rd runner-up Ahtisa Manalo sa kanyang homecoming parade sa Maynila at Pasay City. Inabangan ng fans si Ahtisa na nag-ikot sakay ng float na puno ng fresh flowers! Nagsimula ang parada sa Manila City Hall at lumipat sa Pasay City kung saan siya binigyan ng bagong kotse. Ikinakasa naman ang isa pang homecoming parade para kay Ahtisa sa kanyang home province na Quezon. TV Patrol, Martes, 2 Disyembre 2025.