Mariing pinabulaanan ng Malacañang ang mga paratang na ginagamit bilang batayan ng umuugong na impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at iginiit na walang anumang personal na anomalya o katiwaliang maaaring iugnay sa Pangulo.

Sa pahayag nitong Enero 12, 2026, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na malinaw na walang isyung maihahambing sa tinatawag na “Mary Grace Piattos” na maaaring magsilbing dahilan ng impeachment laban sa Pangulo.

“Walang ‘Mary Grace Piattos’ ang Pangulo,” mariing diin ni Castro.

Ayon pa sa kanya, hindi lamang inosente si Pangulong Marcos Jr. sa mga ibinabatong akusasyon, kundi siya pa mismo ang nangunguna sa pagpapa-imbestiga sa mga proyektong posibleng may bahid ng katiwalian, partikular na sa mga flood control projects.

“Ang Pangulo, hindi po siya nagnakaw ng pera. Pangalawa, siya ang nagpapa-imbestiga sa mga maanomalyang flood control projects na maaaring naging sanhi ng korupsyon,” ani Castro.

#ClaireCastro
#MarcosJr
#Impeachment
#Malacañang
#FloodControlProjects
#PhilippinePolitics

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here