Nagkagirian ang grupo ng kabataan, mag-aaral na nagkikilos protesta at mga pulis sa harap ng tanggapan ng Comelec sa Maynila, na humihimok sa komisyon na ibasura ang gawa-gawang kasong kanselasyon na inihain ng NTF-ELCAC laban sa Kabataan Party-list.

Katuwiran ng mga grupo ng kabataan na ito ay isang pag-atake ng Marcosian laban sa tunay na representasyon ng kabataan at ang kabataang Pilipino sa kabuuan bilang pagganti sa kanilang papel sa pamumuno sa kampanya laban sa katiwalian diretso sa Malacañang.

Umapela ang mga grupo ng kabataan sa COMELEC na tanggalin ang mga political dynasty at pekeng Party-list.

#AbanteNews #NewsPH #kabataan #comelec #mpd

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here