For collaborations and partnerships, contact [email protected]
Anong ginagawa ng isang piraso ng pader na may graffiti dito sa Maynila?
Bakit naka-seal pa siya?
Anong kwento ang meron dito, at bakit dapat natin itong pag-usapan?
Ito ang piraso ng Berlin Wall; regalo sa mga Pilipino mula sa gobyerno ng Germany.
Pero ano nga ba ang Berlin Wall?
Ito ay guardiyadong konkretong pader na itinayo noong 1961, sa gitna ng Cold War, na naghati sa East at West Berlin. Ginawa ito para pigilan ang mga taga-East Germany na tumakas sa West Berlin, na kontrolado noon ng U.S., U.K., at France.
Sa loob ng maraming taon; hinati nito ang mga pamilya, nilimitahan ang kalayaan, at nagdulot ng economic at emotional hardships sa ordinaryong tao.
Noong November 9, 1989, matapos ang sunod-sunod na mass protests, bumagsak ang pader. Isang East German official ang nagkamaling mag-announce na lifted na agad ang travel restrictions. Dahil dito, libo-libong tao ang dumagsa sa border crossings. Nalito ang guwardiya at binuksan ang gates.
Umakyat ang mga tao sa pader, hinampas ng martilyo, at unti-unting winasak ang simbolo ng pagkakahati.
At last, noong 1990, tuluyang nag-reunite ang Germany.
Ngayon, bilang mga Pilipino… ano kaya ang lessons na mapupulot natin dito?
Wala man tayong literal na pader tulad nito, pero parang meron tayong “invisible wall.” Sa kasalukuyang political landscape, hati-hati tayo — minsan by political colors, minsan by ideology, madalas by loyalty sa mga politiko at personalities. Aminin natin; kahit sa individual level, napipili natin kung saang side tayo mas nais pumanig.
Sana itong piraso ng pader ay magsilbing paalala:
Na kahit gaano katibay ang pader, pwedeng mabasag.
Na ang pagkakahati ay hindi kailangang permanente.
Mahalaga ang pag-uusap, pagiging objective, at pag-focus sa kung ano talaga makakapagpa-unlad sa atin bilang bayan.
Baka ang tanong ay hindi lang: “Anong ginagawa ng piraso ng pader na may graffiti dito sa Maynila?” kundi…
“Ano ang ginagawa natin para wasakin ang sarili nating invisible walls sa kaisipan na nagpapahati-hati sa atin bilang bayan?”
#BerlinWall #ColdWarHistory #BerlinWallManila #HistoryPH #Maynila #HiddenHistory #WorldHistory #Kasaysayan #DidYouKnow #LapseCity
Audio:
“Song of the Volga Boatmen” Kevin MacLeod (incompetech.com)
Licensed under Creative Commons: By Attribution 4.0 License
http://creativecommons.org/licenses/by/4.0/
Credits:
Wikimedia: So_wurde_die_Berliner_Mauer_gebaut
incompetech
Wikimedia
Wikipedia
Google Maps
Open AI
Pexels
Team:
Alyzza – Voiceover
Den – Editor, Writer, producer
Eimar – Video
Stra – Video






