Isang lalaki sa Maynila, nahuli matapos ireklamo ng mga motorista dahil sa pangga-gasgas ng sasakyan.

Ayon sa mga ulat, ang kanyang ginagawa—
naglilinis ng windshield habang traffic…
pero kapag hindi siya nabigyan ng pera, doon na umano siya nanggagasgas ng kotse.

Kapansin-pansin din ang suot niyang damit na may nakasulat na “Masipag Ako.”
Pero ayon sa mga netizen—masipag nga… pero sa maling paraan.

Nang humarap na siya kay Isko Moreno o “Yorme,”
bigla itong bumait at naging maamo, tila nagsisisi sa kanyang ginawa.

Pero sa kabila nito,
nahuli na siya at nahaharap sa reklamo mula sa mga biktima.

Paalala sa lahat—
hindi dapat pinapalampas ang ganitong gawain sa kalsada.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here