Muling umatake ang lalaking nang-hypnotize diumano at nagtangkang dukutin ang 11-anyos na babae sa Punta, Sta. Ana Maynila.

Muli itong nambiktima sa Brgy. 336, Sta. Cruz sa parehong lungsod.

Ayon sa ulat na makikita sa CCTV, ninakawan umano nito ng cellphone at pera ang 8-anyos na babae, habang isa pang batang babae ang napag-alaman na ilang beses nitong hinipuan sa maselang bahagi ng katawan.

Nanawagan naman ang pamilya ng mga biktima kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na aksiyunan ang insidente. | via Janze Macahilas

#AbanteNews #NewsPH

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here