Nagbabala si TINGOG Party-List Rep. Jude Acidre laban sa anumang hakbang na ipa-impeach si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung hindi ito malinaw na nakabatay sa Konstitusyon at suportado ng matibay na ebidensya.
Ayon kay Acidre, ang impeachment ay isang seryoso at pormal na prosesong konstitusyonal na hindi dapat pinangungunahan ng haka-haka, tsismis, o ingay ng pulitika. Binigyang-diin niya na dapat itong umasa lamang sa beripikadong katotohanan at malinaw na mga batayan.
Pinaalalahanan din ng mambabatas ang House of Representatives na may tungkulin itong kumilos nang may pagpipigil, pagiging patas, at paggalang sa mga institusyon ng pamahalaan sa pagharap sa ganitong usapin.
#JudeAcidre #TINGOGPartyList #Impeachment #Konstitusyon #RuleOfLaw #GoodGovernance #PhilippinePolitics #PBBM

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here