#philstarnews #saraduterte #risahontiveros

Nagkainitan sina Vice President Sara Duterte at Senador Risa Hontiveros sa pagdinig ng Senado tungkol sa hiling na 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP).

Kinwestiyon ni Hontiveros ang P10 milyon na hiling ng OVP para sa pamamahagi ng libro na isinulat ni Duterte na “Isang Kaibigan” at sinabing mas mainam na ilipat ito sa ibang ahensya ng gobyerno.

“This is public funds and we are making inquiries. Budget hearing po ito. Di po lahat about you. Pera po ito ng taong-bayan” sabi ni Hontiveros matapos akusahan ni Duterte ng pamumulitika sa hiling na budget.

Video by the Senate of the Philippines