Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng ating Christmas Noche Buena Boxes sa Lungsod ng Maynila. Bahagi ito ng inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod upang masiguro na bawat pamilyang Manileño ay mayroong masarap na pagsasaluhan sa araw ng Kapaskuhan. Sa tulong ng masisipag nating kawani at suporta ng buong komunidad, naipapaabot natin ang diwa ng pagbibigayan at malasakit sa bawat tahanan ngayong Pasko.
(Photos by Manila Traffic and Parking Bureau)
#ManilaPIO
#AlertoManileño






