Ayon kay dating kongresista Mike Defensor, handa raw tumestigo si dating Ako Bicol party-list representative Zaldy Co sa House Committee on Justice sakaling ma-refer ang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ibinahagi ni Defensor na personal niyang nakausap si Co kaugnay ng mga alegasyong tumatanggap umano ang Pangulo ng kickback sa flood control projects at may kinalaman sa budget insertions.
Samantala, hindi tinanggap ng Office of the Secretary General ng Kamara ang isinampang impeachment complaint ng ilang kilalang kritiko at kaalyado ng mga Duterte nitong Enero 22. Kabilang sa mga complainant sina Chavit Singson, Jacinto Paras, Hermogenes Esperon Jr., at Atty. Ferdinand Topacio. Pinag-aaralan din ng grupo ang posibleng paghahain ng reklamong kriminal at administratibo laban kay House Secretary General Cheloy Garafil kaugnay ng pagtanggi sa kanilang reklamo.
#ImpeachmentComplaint #ZaldyCo #MikeDefensor #PBBM #HouseOfRepresentatives #PhilippinePolitics #RuleOfLaw #JusticeCommittee #Governance






