DAGSAAN NA SA DIVISORIA! #LigtasPaskuhan #MPD
[ ACTIVE, ABLE & ALLIED MANILA COPS ]

Epektibong ipinatutuapad ang alertong pagbabantay ng mga Pulis-Maynila sa ibat-ibang matataong lugar sa lungsod partikular na sa Divisoria Binondo Maynila ngayong panahon ng kapaskuhan.

Ang Divisoria Binondo ay area of responsibility(aor) ng Binondo Police Station 11 na pinamumunuan ni PLTCOL ROBERTO A MUPAS kung saan ang buong hanay nito ay striktong nakatutok sa pagpapanatili ng katiwasayan at seguridad sa nabanggit na lugar.

Sa ating pagiikot sa area ay naispatan natin ang mga nakalatag na tauhan ni PLtCol Mupas partikular na ang JUAN LUNA PCP sa pangunguna ni PCAPT DANIEL “COCOY” GADDI JR na puspusan ang pagpapatrolya at pagmamando ng daloy ng trapiko sa lugar. Kasabay nito ang pagpapanatili sa maluwag na kalsada na maayos na nakapagtitinda ang mga stall vendors sa mga designated vending areas.

Kaugnay nito, Masaya at payapang nakapagtitinda ang mga vendors na inaaasahang mas daragsain ng mga mamimili lalo na ngayong nalalapit ang pasko.

Ang hakbang ng Binondo Police Station 11 ay base na rin sa gabay ni MPD DD PBGEN TOM IBAY alinsunod sa “AAA” program o Active, Able and Allied police anti criminality programa ni PBGEN ANTHONY A ABERIN, Ang butihing REGIONAL DIRECTOR ng NCRPO.

#LigtasPaskuhan
#Divisoria #Binondo #Manila
#LigtasNaPamayanan #LigtasNaPamilihan
#PS11 #JuanLunqPCP #MPD #NCRPO
#GustoNgPulisLigtasKa

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here