Bumagsak sa kalsada ang isang babaeng sakay ng e-bike matapos mabangga ng matuling kotse sa bahagi ng F. Manalo Street sa Barangay 897 Sta. Ana, Maynila pasado ala 5:00 ng madaling araw nitong Miyerkoles, February 11.
Sa kuha ng CCTV, kita na mabagal ang takbo ng e-bike nang masalpok ng nag-counterflow na kotse.
Ginagamot na sa ospital ang biktima habang ikinostudiya ng barangay ang nakabanggang driver na kalauna’y itu-turnover sa pulisya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here