FOOD SUPPLY NG MAYNILA, PALALAKASIN SA URBAN FARMING PLAN
Bumisita sa Metro Pacific Fresh Farms sa San Rafael, Bulacan si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso nitong Miyerkules upang pag-aralan ang modernong teknolohiya sa greenhouse na maaari umanong gamitin sa mga bakanteng lote sa Maynila.
Ipinaliwanag ni Shahar Turgeman, director ng Metro Pacific Fresh Farms, ang paggamit ng controlled-environment agriculture para sa tuloy-tuloy at episyenteng produksyon ng gulay. Itinutulak ng alkalde ang conversion ng idle at open spaces sa lungsod bilang urban farms para mapatatag ang suplay ng pagkain.
Nauna nang nakipagpulong si Moreno sa Singapore Food Agency at mga kinatawan ng Israel kaugnay ng food safety at water-efficient farming systems, at sa Department of Agriculture para sa posibleng technical support. Sinilip din niya ang 23-ektaryang lupa sa Boystown Manila na pinag-aaralang gawing taniman.
#urbanfarming
#IskoMoreno
#politeaph






