Bago pa man siya tawaging “Dirty Harry ng Pilipinas,” isa na siyang Alagad ng Batas na kinatatakutan ng mga kriminal at simbolo ng pag-asa para sa mga naaapi. Si Alfredo Siojo Lim—isang pangalan na umuukit ng takot sa mundo ng krimen at respeto sa hanay ng batas. Mula sa mapanganib na operasyon sa mga kalsada ng Maynila bilang hepe ng pulisya, hanggang sa mahigpit na pamumuno bilang alkalde ng lungsod, si Lim ay isang buhay na alamat ng disiplina, tapang, at prinsipyo.
Sa bawat engkwentro, laging siya ang nasa unahan—hindi natitinag, hindi umatras. Hinabol niya ang mga kilalang Ilegalista sa Maynila, sindikato, at mga pusakal na kriminal sa gitna ng putukan, itinataya ang sariling buhay bilang kabayaran ng katahimikan ng lungsod. Hindi lang siya lider, isa siyang mandirigma sa kalye—nagsuot ng bulletproof vest hindi para sa kanyang proteksyon kundi para sa kumpiyansa ng kanyang mga tauhan.
Bilang alkalde ng Maynila, isinulong niya ang reporma sa kalinisan, disiplina, at kaayusan. Ipinagbawal ang ilegal na terminal, pinatibay ang peace and order, at muling ibinalik ang takot ng mga kriminal sa salitang “batas.” Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ginising ang dating aninong lunsod, binuhay ang dangal ng Maynila.
Si Alfredo Lim ay hindi perpekto, ngunit sa paningin ng mamamayang uhaw sa hustisya, siya ang naging sagisag ng tapang—ang taong hindi natutulog hangga’t may gumagala pang kriminal sa gabi.
Ito ang kuwento ng isang tunay na tagapagtanggol ng bayan. Isang mandirigmang pulis, isang istriktong mayor at walang sinasanto. Halinat ating balikan ang kanyang maaksyong kwento at kasaysayan sa ating komprehensibong dokyumentaryo sa pagpapatuloy ng ating istorya.

True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories