MAYOR ISKO MAY MENSAHE SA MGA SUMIRA NG PROPERTY NG MAYNILA “KABAN NG BAYAN GAGASTUSIN PARA MAAYOS ANG MGA NASIRA”
Naglabas ng pahayag si Mayor Isko Moreno Domagoso matapos personal niyang masaksihan ang pinsalang iniwan ng rally na isinagawa laban sa korapsyon.
Ipinunto niya ang pagiging taliwas ng mensahe ng rally sa kanilang ginawa.
Aniya, kung talagang ang hanap ng mga nagprotesta ay maayos at matinong pamahalaan, bakit sila mismo ang nanira ng ari-arian ng gobyerno?
Dagdag pa niya, imbes na mapunta sa mga programang makikinabang ang taumbayan, mapipilitan na namang gamitin ang pera mula sa kaban ng bayan para sa pagkukumpuni ng mga nasira.






