Gulong lamang ng motorsiklo, hindi pa maipatupad ng tama ng Region 12-LTO!
Hindi ipinagbabawal ng Batas ang pagpapalit ng gulong ng anumang sasakyan, “kailangan lamang manatili ang sukat ng rim o diameter nito.” Simple at hindi mahirap intindihin.
Nagbigay tayo ng P5,000 sa kapatid nating rider dahil lampas na ng 3 araw ang kanyang tiket, at masususpende ng 1 taon ang lisesya nito kapag nahuli siya ng Enforcer o Deputized ng LTO.
Kailangan nating sumunod sa protocol ng LTO pero base sa Department Order at tiket na natanggap ng kapatid nating rider, mananalo tayo sa ating contest.
Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.
Chairman
Road Safety Advocates of the Philippines
#colbosita
#rsap






