Sinuri nina Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman at Manila Mayor Isko Moreno ang proposed Halal town project sa Maynila nitong Lunes, November 3.
Layunin ng proyekto na itampok ang makulay at magkakaibang kultura ng komunidad ng mga Muslim, lalo na ang kanilang tradisyon, pagkain, at negosyo.
Kasama sa plano ang pagtatayo ng mga pasilidad at espasyo na aangkop sa halal standards upang makaakit ng mas maraming bisita at mamumuhunan.
Inaasahan din nitong magsilbing sentro ng interfaith understanding, kung saan mas maiintindihan at marerespeto ang iba’t ibang relihiyon at kultura.
Sa pamamagitan ng Halal town, target ng lokal at pambansang pamahalaan na mapalawak ang economic opportunities para sa mga Muslim sa lungsod at maitaguyod ang isang mas inklusibong komunidad sa Maynila.
#D8TV #d8tvnews






