TIGNAN!
ACTUAL OPN VIDEO ‼️HIGIT 100 MENOR AT PALABOY NAKALAWIT SA OPLAN GALUGAD SA BINONDO MAYNILA! ( Tulak ng Solv€nt Tiklo, 3 Kelot Nahulihan ng MJ! )
PINAMUNUAN ni MPD Station 11 commander PLTCOL INOCENCIO RICHARD VILLANUEVA ang isinagawang Oplan Galugad sa kanilang area of responsibility sa Binondo Maynila.
Alinsunod sa direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at sa umiiral na ordinansa sa lungsod ay mismong si PLTCOL VILLANUEVA ang nanguna sa pag-galugad at kung saan 104-katao ang nadampot sa kalsada.
Katuwang nina PLTCOL VILLANUEVA ang mga tauhan ni Manila Department of Social Welfare(MDSW) Director Jay Dela Fuente at Special Mayors Reaction Team(SMaRT) sa pangunguna ni PMAJ EDWARD SAMONTE.
Sa isinagawang clearing at rescue operation ay 104-katao ang dinampot sa ibat-ibang lugar sa Binondo
79 ang tinurnover sa kostudiya ng MDSW, 36 ang menor de edad kung saan 21 ang lalaki at 15 ang babae habang 43 naman ang mga palaboy sa lansangan o mendic@nts.
Tiniyak ni PLTCOL VILLANUEVA na ang 79-katao na binubuo ng mga menor at mendic@nts ay hindi inaresto bagkus ay sinagip sa posibleng panganib na dulot ng pananatili sa lansangan partikular na sa ora-de-p€ligro ng mag-damag. Kapwa sila tinurnover sa MDSW.
Ang 25-indibiwal naman sa 104 ay binubuo ng 7-menor (5-lalaki at 2-babae) at 18 katao nasa hustong gulang na nadaanang naglalakad sa lansangan sa oras ng curfew, tinurnover naman sa kostudiya ng kani-kanilang barangay.
Sa puspusang Oplan Galugad nina PLTCOL VILLANUEVA ay 3-kelot ang nadapule nang masita sa oras ng curfew kung saan nahulihan pa ng pinatuyong dahon ng Mariju@na/MJ at paraphern@lia. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 kasalukuyang nasa kostudiya ng MPD.
Maliban dito, dalawa ang nasakote sa pagbebenta ng solvent kung saan ang isa ay menor de edad pa.
Ang pamunuan ni PLTCOL VILLANUEVA ay patuloy sa pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa sa lungsod, partikular na ang curfew sa mga menor de edad upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga kabataan sa Binondo Maynila, base sa gabay ni MPD DD PBGEN ARNOLD ABAD at programa ni Yorme Isko Moreno Domagoso
SOURCE: https://www.facebook.com/KalibreNgLente

#PNPSwiftResponse
#FastActionForce
#AngGalingNgPulis
#SaBagongPilipinasAngGustongPulisLigtasKa
#ToServeandProtect
#PCADGMetroManila
National Capital Region Police Office
RCADD – NCRPO

Disclaimer: CTTO of the photos, videos and other optics. No Copyright Infringement intended.