TAUMBAYAN ANG IPINAGLALABAN NG MGA MAGSASAKA
#News5Now | Nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang grupo kabilang ang mga magsasaka sa Liwasang Bonifacio sa Maynila para kondenahin ang nangyayaring korupsyon sa pamahalaan.
Sigaw nila, tila cover-up o pagtatakipan lang ang mga imbestigasyong isinasagawa ng Kongreso at Senado.
Mula Liwasang Bonifacio, magmamartsa ang mga grupo patungong Mendiola para ipagpatuloy ang kanilang panawagan na papanagutin ang mga tiwaling opisyal. | via Mon Gualvez






