Napasugod sa Manila Police District ang ilang kaanak ng mga inaresto sa gulo sa Recto Avenue sa Maynila, nitong Linggo ng gabi, Septyembre 21, 2025.

Isa sa kanila si Almira Dionesio matapos mapag-alamang kabilang ang kambal na anak na edad 25-anyos sa naaresto.

Isa lang si Dionesio sa marami pang kaanak na naghintay sa harapan ng MPD na nagbakasakali na makita ang kaniyang nahuling mga anak.

Kwento ni Almira, nagsabi ang anak na lalahok sa rally at inaya ang kakambal.

“May lakad ka ba? Sabi niya, oo ma, ‘yung rally, hindi ko namang akalain na ganun kaseryoso na ito, tapos dinaanan pa niya ‘yung kapatid niya. Ginising ako ng manugang ko, sabi ma, ma, nahuli sila sa rally. Barkadahan sila nung mga geng geng,” sabi ni Dionesio.

Aminado naman siya na mali ang ginawa ng kaniyang mga anak dahil sumali sila sa riot.

Umaapila siya kay Mayor Isko Moreno Domagoso, na baka sakali ay mapagbigyan ang kanyang kambal na makalaya na.

Pero, nanindigan si Mayor Isko na kailangang may managot sa insidente.

“Lahat ng na-apprehend will be charged, I will make sure, that they will pay the price. Kung sumali ka, nakisapak ka, kasama ka sa danyos. Criminal and civil. Pagsisisihan nila ‘yan,” ayon kay Domagoso.

Sa inisiyal na imbestigasyon ng Manila Police District napag-alaman nilang mga “hiphop gangster’ ang mga indibidwal na sangkot sa gulo sa gitna ng kilos-protesta sa Maynila.

“Ongoing pa ‘yung ating pag-iimbestiga, initially nalaman natin ito ‘yung mga hiphop, at naimpluwensyahan sila ng isang rapper na hindi na muna natin babanggitin pero nakita naman natin sa social media kung sino ito,” sabi ni Major Philipp Ines, MPD Public Information Office, Chief.

For more ABS-CBN News videos, click the link below:

For more News Digital News Raw Cuts, click the link below:

For more Breaking News & Live Coverage videos, click the link below:

For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below:

Subscribe to the ABS-CBN News channel! – http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews
Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews

#RectoAvenue
#Maynila
#ABSCBNNews