Inday Sara tatakbong Davao City Mayor sa 2025 o tatakbong Presidente sa 2028?
Umaga ng January 22,2024, sa flag raising ceremony ng Brgy. Bago Gallera,Davao City inanunsyo ni Vice President Sara Duterte na tatakbo sya sa susunod na eleksyon.
“Kadungog ko nga ang akoang igsoon si Mayor Baste ug ang akong maguwang si Congressman Pulong nagsulti sila nga di sila mudagan. Basin di sila mudagan sa sunod nga eleksyon, so mao nang naa ko dinhi sa inyoha kay mangampanya ko sa inyoha kay mudagan ko sa sunod nga eleksyon.”
“Narinig ko na ang aking kapatid si Mayor Baste at ang aking kuya na si Congressman Pulong nagsabi na hindi sila tatakbo. Baka hindi sila tatakbo sa sunod na eleksyon, so kaya ako nandito dahil mangangampanya ako sa inyo kase tatakbo ako sa susunod na eleksyon.”
Hindi binanggit ng bise presidente anong posisyon ang kanyang tatakbohan at kung aling eleksyon sya tatakbo sa 2025 0 2028.






