Nauwi sa kaguluhan ang dapat sana’y payapang kilos-protesta laban sa korupsyon. Isang establisyemento ang nadamay sa nasabing kaguluhan sa isinagawang kilos-protesta, at dalawang motorsiklong gamit ng pulis Maynila sa pagpapatrolya ang sinunog. Nahuli naman ng mga kapulisan ang mga sangkot sa nasabing karahasan, at nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno, na may pananagutan sa batas ang mga nahuli. #protesta #raliyista #corruption






