Muli na naman tayong nakapaghatid ng saya sa isang mahal nating lola—sa pagdiriwang ng kanyang ika-100 kaarawan, personal nating iniabot kay Lola Celina Abling ang kanyang cash incentive.

Hangad ng Pamahalaang Lungsod na makatulong ito sa inyo, Lola Celina. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mas mahaba at mas malusog na buhay. Maligayang kaarawan po!