Ngayong araw ay isang karangalan po ang mabisita sa ating tanggapan ni Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco.

Kasama ang ating Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) OIC Cristal Bagatsing ay hangad namin na palakasin ang industriya ng turismo sa Lungsod ng Maynila. Sa pagtutulungan ng national at local government ay muli nating pasisiglahin ang turismo sa ating makasaysayang lungsod na hitik sa likas na ganda at mga istorya ng nakaraan na nagpatibay sa ating pagka-Pilipino.

Muli, salamat po Secretary Frasco at sa buong DOT team sa inyong pagbisita sa Lungsod ng Maynila!