Pinangunahan ng Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC) ang regular flag-raising ceremony ngayong araw sa Kartilya ng Katipunan.

Ibinida ni Dr. Grace Padilla, Officer-in-Charge ng Manila Health Department (MHD), ang OMMC bilang flagship hospital ng lungsod — may 300 bed capacity, ISO-certified, at pinarangalan ng “Gawad Galing” bilang patunay ng mataas na kalidad ng serbisyong medikal para sa mga Manileño.

Samantala, masayang ibinalita ni Mayor Isko Moreno Domagoso na simula bukas, Oktubre 7, ay matatanggap na ng 11,000 teachers at non-teaching personnel ang kanilang delayed April allowance na may kabuuang halagang ₱25 milyon.

Kasabay nito, good news din para sa ating mga minamahal na senior citizen dahil sisimulan na rin ang pamamahagi ng kanilang 3rd quarter allowance mula sa kasalukuyang administrasyon na aabot sa ₱300 milyon.

Ayon kay Mayor Isko, dahil sa masigasig na paghahabol ng pamahalaang lungsod mula sa mga contractor ng flood control projects, umabot na sa ₱160 milyon ang nakolektang buwis.

Mayor Isko Moreno | Oct 6, 2025