JUST IN: Inanunsyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa lingguhang flag ceremony ngayong umaga ang pagbibigay ng ₱7,000 clothing allowance para sa 8,543 regular employees ng Manial City Hall.
Ayon sa alkalde, saklaw din ng naturang benepisyo ang mga kawani na hindi nakatanggap ng kanilang clothing allowance noong mga nakaraang taon. Para rito, maglalabas ang Pamahalaang Lungsod ng mahigit ₱59.8 milyon.
Ipinaliwanag ni Mayor Isko na bagama’t nakalaan ang pondo para sa pagbili ng uniporme at ID, minabuti niyang ipagkaloob ito sa anyong cash bilang mas praktikal at agarang tulong, upang mabigyan ng kalayaan ang mga empleyado na magamit ito ayon sa kanilang pangangailangan.
#ManilaPIO
#AlertoManileño






