Masigla nating sinimulan ang linggong ito sa flag-raising ceremony na pinangunahan ng Ospital ng Tondo.
Binabati ko ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa pagiging Top Performing School sa 2025 October Physician Licensure Examination. Isa itong patunay ng husay at dedikasyon ng ating mga iskolar ng bayan. Isa pa sa ating mga pangarap ang pagtatayo ng bagong PLM College of Medicine sa Roxas Boulevard upang makapaghubog pa ng libo-libong bagong doktor para sa Maynila at sa buong bansa.
Isang mapagpalang Lunes sa ating lahat! Nawa’y patuloy tayong pagpalain ng Diyos sa ating linggo ng paglilingkod.
Manila, God first!






