Kung mali ang simula, mali na ang katapusan. Kaya sa flag-raising ceremony ngayong umaga na pinangunahan ng Department of Assessment, muli nating pinaaalalahanan ang bawat isa na sa umpisa pa lang, siguraduhin na nating tama na ang lahat ng proseso.

Walang dapat malugi, walang dapat abusuhin. Lahat patas, malinaw, at tapat pagdating sa assessment — dahil dito nakasalalay ang tamang serbisyo para sa 1.9 million Manileño na nararapat bigyan ng maayos, mabilis, at makataong serbisyo mula sa kanilang gobyerno.

Kapag mali ang simula, hindi lang numero ang nagkakamali — naapektuhan ang kabuhayan, ang negosyo, at ang tiwala ng tao sa pamahalaan. Kaya’t tungkulin nating siguruhin na bawat hakbang, bawat dokumento, at bawat bilang ay dumadaan sa masusing pagsusuri at tamang proseso.

Sa simpleng paraan: tama ang simula, para tama ang lahat hanggang dulo. Dahil ang gobyerno ay para sa tao, at ang tiwala ng tao ay kayamanang dapat ingatan.

Mayor Isko Moreno Domagoso