MAULANG LUNES, MGA BATANG MAYNILA!

Bagama’t umuulan ay tuloy pa din po ang trabaho sa inyong pamahalaang lungsod.

Ngayong umaga ay binigyang pagkilala po natin ang tatlong Manila Traffic & Parking Bureau (MTPB) employees na gumawa ng maganda sa ating mga kababayan:

1. Rodel Fajardo – traffic enforcer, nagsauli ng napulot na wallet na may Php 10,000 cash

2. Adrian Pinangay – parking attendant, nagsauli ng wallet na napulot sa Morayta ng Far Eastern University (FEU) student

3. Dexter Corpuz – parking attendant, nagsauli ng bag ng estudyante ng St. Jude College

Hindi lang po kawani ng gobyerno ang ating kinilala ngayong araw dahil sa kanyang magandang gawain. May dalawa din po tayong role model students ngayon na ating pinatawag upang kilalanin matapos nilang isauli ang cellphone ni Ginoong Rogelio Medina sa isang tapsilugan dito sa Maynila.

Si Gabriel Vench Jimenez ng University of the East Manila na isang Grade 9 student at Vince Xyrhick Macaraeg ng Arellano High School na isang Grade 7 student ang ating kinilala ngayong araw kasama ang kanilang mga magulang at mga principal. Mag-aral kayong mabuti at tiyak ko na masaya ang inyong mga magulang dahil sa inyong magandang inasal sa ganitong sitwasyon.

Sana po ay mabasa pa ang ganitong mga kawani at kabataan sa ating lungsod.