Pinangunahan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang regular na flag-raising ceremony sa Kartilya ng Katipunan ngayong araw, Oktubre 13.
Sa kanyang mensahe, tiniyak ni MDRRMO Director Arnel Angeles na patuloy nilang ipaglalaban ang kanilang panata na protektahan ang bawat buhay, tahanan, at ari-arian laban sa mga banta ng kalamidad.
Samantala, nagbigay din ng direktiba si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa lahat ng department heads at bureau na magsagawa ng earthquake drills at mas palawakin pa ang kaalaman sa tamang paghahanda sa mga kalamidad, lalo na sa pagyanig ng “The Big One.”
“To all department heads, this is now a directive, that in any given day from today onwards, you must conduct exercises. At any given hour, it doesn’t have to be all of us at once. Even per department is fine, so as not to disrupt services. Kailangan nating maghanda.”ayon kay Mayor Isko.
(Photos by: Jurek Castro/ManilaPIO)
#ManilaPIO
#AlertoManileño


![SHOCKING! SEE WHAT YOU SEE AT NIGHT IN LAWTON MANILA PHILIPPINES | WALK TOUR | NIGHTLIFE [4K]HDR](https://www.pinoynewsonline.com/wp-content/uploads/2026/01/1768323320_hqdefault-218x150.jpg)



