Pinailawan ngayong gabi ang Plaza Dilao sa Paco, Maynila. Kapansin-pansin ang bagong pintura at paglikha ng mga green space na naglalayong gawing mas ligtas, maaliwalas, at kaaya-ayang lansangan para sa mga residente at mga dumaraan.

Matatandaan na dati’y naging tambakan ng basura at semento ang lugar — madilim, mapanganib, at halos hindi madaanan ng publiko. Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, unti-unti itong isinasailalim sa rehabilitasyon bilang pagtupad sa pangakong gawing mas ligtas, mas maayos, at tunay na mapakikinabangang pampublikong espasyo para sa lahat.