Dating laway-laway na pangarap lang natin, ngayon ay natupad na! Para sa mga Batang Baseco, good news para sa inyo! 🏥
Ngayong araw, tuluyan na nating binuksan ang pinakahihintay na President Corazon C. Aquino General Hospital, o tinatawag din nating Baseco Hospital—ang ika-7 ospital na pinapatakbo ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.
Ang ospital po na ito ay mayroon ng mga sumusunod:
– 24/7 fully operational emergency room
– Community-inclusive Outpatient Department
– Maternity Department
– Surgery and Internal Medicine Department
– Centralized Medical Gas System (Oxygen Supply)
– Laboratory and Central Diagnostics
– X-Ray/Radiology Department
– Pharmacy
– Dietary Department
– Male and Female Wards
– Isolation Wards
– Service Elevators for patients in bed
– Passenger Elevators with 10-person capacity
Ang ospital na ito ay katuparan ng ating pinangarap para sa mga kababayan natin sa Baseco. Noong una, pangarap natin ay maayos na tahanan para sa kanila—at nabuo ang Basecommunity dahil dito.
Naantala man ang pagbubukas nito sa publiko, nandito na tayo ngayon: maaari nang magamit ang Baseco Hospital. Laway-laway lang noon, napabayaan ng dating mga nakaupo, pero sa ating pagtutulungan at maagap na pagkilos, natupad na ang pangarap ko para sa bawat taga-Baseco.
Mayor Isko Moreno Domagoso






