Walang Tulugan!
Tuloy-tuloy ang paglilinis at pagsasaayos sa mga pampubliko at pribadong ari-arian sa kahabaan ng Recto at Mendiola na sinira ng mga raliyista sa kasagsagan ng anti-corruption rally kahapon.
Ayon kay Mayor Isko Moreno Domagoso, milyon-milyon ang halaga ng danyos na dulot ng marahas na kilos-protesta.
“Gusto ko paggising ng taga-Maynila, konti na lang sakit sa mata ang makikita nila. Masakit din sa mga taga-Maynila na makitang binaboy ang ating lugar,” ani Domagoso.
Samantala, tiniyak ni Mayor Isko na sabay-sabay na aayusin ang iba pang lugar sa lungsod na nadumihan at nasira upang maibalik ang maaliwalas at kaaya-ayang kapaligiran.






