Aabot na sa 113 ang naaresto sa mga nambato, nanira, at nagsunog, sa gitna ng kilos-protesta sa Maynila kahapon.
Ayon kay PMaj. Philipp Ines, tagapagsalita ng Manila Police District, 51 ang naaresto sa Ayala Bridge, 41 sa Recto Avenue habang 21 naman sa Mendiola.
Sa nasabing bilang, 37 ang menor-de-edad.
Sinabi ni Ines, na pananagutin nila ang mga nasangkot sa gulo, lalo ang mga nanira ng mga ari-arian.
#dzbb #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
DZBB News Portal: https://www.gmanetwork.com/radio/
Facebook: https://www.facebook.com/dzbb594/
TikTok: https://www.tiktok.com/dzbb
Twitter: https://x.com/dzbb






