Nasa gitna ng kasiyahan ang mga residente ng barangay 227, zone 21 nang parang may bombang sumabog sa tapat ng isang bahay pasado alas-dose ng gabi.
Tatlong bahay ang napuruhan ng pagsabog at biglang nawalan ng kuryente sa lugar.
Bagama’t walang naiulat na nasugatan, isang residente ang dinala sa ospital dahil sa trauma. Tinatayang limang pamilya ang naapektuhan.
Nasira din ang iba’ibang ari-arian tulad ng mga tricycle at motorsiklong dumaraan o nakaparada sa kalsada.
Hindi pa matukoy kung anong uri ng paputok ang sumabog, ngunit ayon sa barangay, kahawig ito ng paputok na sangkot sa naunang insidente sa kalapit na lugar.
Pangako ng mga otoridad, mananagot at ipakukulong ang sinumang responsable sa pagsabog.






