LUMAKAS NA ANG TIWALA?!
Ibinibida ni Pangulong Marcos Jr. na lumalakas ang tiwala ng mga mamumuhunan sa Pilipinas matapos nya raw ibulgar ang katiwalian sa mga proyekto ng flood control.
Bagamat wala pang naipapakulong , ayon sa Pangulo, ang pagiging bukas ng pamahalaan sa mga iregularidad ay patunay na seryoso ang kanyang administrasyon sa paglilinis ng gobyerno at sa pagpapanumbalik ng kredibilidad ng bansa sa harap ng mga banyagang investor.
“Kung hindi natin ito ibinunyag [ang korapsyon sa mga flood control projects], sasabihin ng mga mamumuhunan na may problema. Ngunit ngayong nailantad na natin, mas matatag na ang kanilang tiwala sa Pilipinas.”
(“If we had not exposed it [corruption in flood control projects], they [investors] would be saying there’s a problem. Now that we have exposed it, their confidence is stronger in the Philippines.”)
#bunalpilipinas #politics #marcos






