Posibleng masampahan ng kasong sedisyon ang mga indibidwal na sangkot sa marahas na kilos-protesta na naganap kahapon sa lungsod ng Maynila.

Ito ang kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, na nagsabing seryosong pag-aaralan ng ahensya ang mga susunod na hakbang upang mapanagot ang mga responsable.

Samantala, umapela si Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro kina Sec. Remulla at PNP chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. na imbestigahan din ang umano’y papel ni dating Congressman Chavit Singson, na sinasabing nanghikayat sa mga kabataan na lumahok sa naturang protesta.

Dahil dito, pinag-aaralan na rin ang posibilidad na masampahan si Singson ng kasong inciting to sedition.