Mga kabataang hinuli dahil sa pagsusuot ng balaclava sa Maynila, iginiit na wala silang balak gawin na masama | GMA Integrated News

‘BALACLAVA PARA IWAS RED-TAGGING’

Dumipensa ang mga kabataang nagpakilalang independent media na dinampot ng mga pulis sa UN Ave. sa Maynila dahil sa pagsusuot ng balacava na ipinagbabawal sa bagong ordinansa sa lungsod.

Giit ng mga miyembro ng grupong Kilusang Septyembre Bente Uno, hindi nila alam ang bagong ordinansa. Nagsuot daw sila ng balaclava bilang proteksiyon laban sa red-tagging.

“Baka ‘yung mukha kung saan-saan ipaskil. Baka ma-red tag pa sila eh hindi naman po kami komunista,” ani Johnny Tilar, miyembro ng KS21 na isa sa mga sinita ng pulis kaninang umaga.

Tinanggal daw naman nila kaagad ang balaclava nang sitahin sila ng mga pulis pero dinala pa rin sila sa police station para suriin ang kanilang pagkakakilanlan. Sinita rin daw ang suot nilang vest at head gear.

“May suspicion po sila na porke’t naka-protective gear kami, baka raw may binabalak kaming masama… Sabi ko, ‘sir peaceful naman po kami. Nagdyo-journalism lang po kami.’ Ayaw po nilang maniwala. Gusto daw po nilang i-verify considering na, bakit daw napaka-well equipped daw. Ang reasoning lang namin, proteksiyon lang dahil last time, ang daming kaguluhan,” ani Tilar.

Pinakawalan din ng mga pulis ang tatlong kabataan matapos ang nasa dalawang oras. Kinuhanan anila sila ng impormasyon at isinalang sa medical examination. Warning lang anila ang sanction nila dahil sa pagsusuot ng balaclava. | via Jonathan Andal/GMA Integrated News #GMAIntegratedNews #BreakingNews

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe