Muling ipinatupad ngayong Oktubre 7, 2025 ang motorcycle clamping sa Lungsod ng Maynila, ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).
Ayon kay Marieta Sayo, hepe ng Clamping Section ng MTPB, papatawan ng ₱900 multa ang mga mahuhuling motorcycle owners na iligal na nagparada sa mga tow-away zones at iba pang restricted areas sa lungsod.
Kaugnay nito, kamakailan ay inaprubahan ng Manila City Council ang City Ordinance No. 8998, na nag-aamyenda sa Sections 2 at 4 ng Ordinance No. 8109 na unang ipinasa noong Nobyembre 21, 2023, upang mas paigtingin ang pagpapatupad ng mga patakaran sa tamang paradahan sa Maynila.






