‘TO INSPIRE THE YOUTH’

‘Yan daw ang dahilan ng negosyante at social media personality na si Josh Mojica kaya niya nagawang video-han ang sarili habang nagmamaneho ng kanyang mamahaling sasakyan sa EDSA. Sinabi niya ito sa kanyang pagharap sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) ngayong Huwebes, July 10 upang tumugon sa show cause order na inisyu sa kanya kasunod ng nag-viral niyang video.

Isinuko na ni Mojica ang kaniyang lisensya sa LTO.

Nahaharap si Mojica sa reckless driving, Anti-Distracted Driving Act, at improper person to operate a motor vehicle. Sa Lunes, July 14 nakatakdang ilabas ng ahensya ang resolusyon

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere

https://www.instagram.com/news5everywhere/

@news5everywhere


🌐 https://www.news5.com.ph