Patuloy po ang ating Manila City DRRM Office sa pag-iikot sa ating lungsod para sa Oplan Paalala. Layunin po ng pag-iikot na ito na maihanda ang ating mga kababayan sa anumang sakuna, na ang tunog ng sirena ng ating mga ambulansya at mga trak ng bumbero ay hudyat upang maging handa ang ating mga kababayan sa paparating na sakuna.

Ang MCDRRMO po natin ay nag-iikot umaga man ito o gabi, kaya po pasensya na din sa ating mga kababayan na makakarinig ng alingawngaw ng mga sirena ng ambulansya natin. Patuloy po tayong nagdarasal sa kaligtasan ng lahat at mailigtas tayo sa anumang sakuna. Ang inyong Pamahalaang Lungsod ay nakahanda at patuloy na naghahanda upang maprotektahan at matulungan ang ating mga kababayan.

Maging alerto po tayo sa lahat ng oras at ihanda ang mga importanteng bagay at papeles na ating kakailanganin. Mag-iingat po tayo palagi.