#News5OnTape I Hindi naitago ni Vice President Sara Duterte ang galit sa pamunuan ng House of Representatives dahil sa pagtrato nito sa kanyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez.

Mismong ang bise ang nagdala kay Lopez sa Veterans Memorial Medical Center matapos sumama ang pakiramdam niya habang inihahain ng mga tauhan ng Kamara ang utos na ilipat siya sa Women’s Correctional Facility sa Mandaluyong madaling araw ng Sabado, Nov. 23.

Ayon kay VP Duterte, ninakaw ng mga tauhan ng Kamara ang cellphone ni Lopez at isa pa nilang kasamahan sa OVP.

“’Wag kayong umasa na magbabago ang buhay nito, gaganda ang Pilipinas dahil sa gobyernong ito,” pahayag ni Duterte. #News5 | via Nina Ongpauco

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere

https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
🌐 https://www.news5.com.ph